Sunday, October 25, 2009

Tula para sa Diyos


http://www.youtube.com/watch?v=ALY6Fk9-pF8


Sa pag-ibig ng ating Diyos
Maraming biyaya ang bumuhos
Kasama na rito ang pagdurusa
At pighati pagkatapos ng ligaya


Sa pagmamahal Mo sa sansinukob
Binigyan mu kami ng lakas ng loob
Na harapin ang darating na bukas
Ng may tapang at lakas


Walang maliw ka naming mamahalin
Hinding-hindi ito kayang bilhin
Habang buhay ko itong ipagmamalaki
Sa mga Kristiyano man o hindi


Kami ay laging naandirito
Patuloy na magbubunyi sa ngalan Mo
Nawa'y lagi kaming bigyan ng pagasa
Sa gitna ng hirap at pagdurusa


Sa bawat pagsubok
kami'y laging humihimok
Sa hirap at ligaya
Ikaw sana'y laging makasama


Lagi kang naandiyan
Tuwing Ika'y aming kailangan
O Mahal na Ama
Ikaw ang aming pagasa


John Lester Ilog


Saknong 1  => Biyaya ng ating Diyos sa bawat araw na dumarating.
Saknong 2 => Pag-asa na binibigay ng Diyos, pagkatapos ng isang pagsubok.
Saknong 3 => Pagbibigay ng sukli sa Pagmamahal ng Diyos na may kapal. 
Saknong 4 => Pananampalataya na hindi nawawala.
Saknong 5 => Ang walang kaparis na pagmamahal ng ating Diyos.
Saknong 6 => Pag-asa mula sa Panginoon.


No comments:

Post a Comment