Friday, October 2, 2009

Katotohanan sa Pag-ibig (Based on experience)

Sana lahat ng tao ay umiibig at nagiibigan ng nararapat. Sana lahat ng lalake ay marunong mang ligaw, at ang lahat ng babae ay nalalaman ito agad upang hindi na mahirapan ang mga lalake na manligaw. Para sakin “ Madali para sa mga babae ang mag-mahal sa umpisa pero mahirap iyon sa kanila sa huli.” Ako man ay isa ring torpe katulad ng ilang lalake dyan, lalake na walang tibay ng loob na sabihin ang tunay na nararamdaman ng aming puso…ngunit gumagawa pa rin kami ng paraan upang malaman ng taong aming iniibig na sa kanila kami’y may pagtingin. May ilang lalake na idinadaan sa mga kaibigan nila na mas malapit sa taong iniibig nila kaysa sa kanila. Ako man ay may ginawa ring paraan, katulad na rin lang ng pagsesend ko ng comment sa Friendster niya. Nagsend ako sa kanya ng isang poem na may ibig ipahiwatig sa kanya na ok lang namang magmahal ng mga kaibigang malapit sa kanya. Minsan ko na ring inamin sa kanya na mahal ko siya nang una kaming mag-chat sa YM (Yahoo Messenger). Akalain ninyo bang akalain niyang nagbibiro lamang ako kaya sinagot ko siya na hindi dapat ginagawang biro ang pagmamahal, kundi seryosohin ito…feeling ko tuloy ay ang iniisip niya tungkol doon ay isa lamang pag-ibig ng isang matalik na kaibigan. Tunituring man niya kong isang kapatid kulang yon para sa akin pero kung yon ang sa palagay niya na dapat hangang kaibigan lamang kami o mag kapatid na lang …Hindi ko na lang ito aaminin ulit hangang maisip niya ang tunay na kahulugan ng sinabi ko noon na mahal ko siya.

1 comment:

  1. ds !!
    I want to thnx for the efforts you have put in writing this blog post. I am hoping the same high-grade blogpost from you in the upcoming as well. In fact your creative writing skill has inspired me to get my own blog now. Really the blogging is spreading its wings rapidly. Your write up is a good example of it.
    Its rare for me to discover something on the internet thats as entertaining and intriguing as what OLANSI FACTORY

    ReplyDelete