Sunday, November 1, 2009

Liham Pagmamahal





B1 L6 Elysian Field
La Trinidad Executive
Trece Martires City

"Liham Pagmamahal"

Minamahal kong Mhelaii,

          Hi! Kamusta ka na sana maayos ka habang binabasa mo ang liham kong ito. Nagaalala kasi ako na baka ikaw ay malungkot o may nararamdamang hindi maganda. Sana nasa mabuti kang kalagayan at ikaw ay masaya kapiling ang mga espesyal at mahalgang mahal mo sa buhay. Isa sa mga katangian ko sa Pagmamahal ay ang pagiging babaero, alam kong hindi man ito magandang kalidad. Ipinagmamalaki ko ngayon sa iyo na dahil sa pagdating mo sa aking buhay, Pinagbago mo ako hindi na ako ngayon babaero dahila ng gusto ko ay ikaw lamang.

          Maraming salamat! dahil sa pagdating mo nagbago ang lahat sa akin, wala na ung dating ako na pariwara at walang kuwenta. Mahirap tangapin sa isipan ng aking mga kaibigan na nagbago na nga ako, lahat sila ay nagulat at napilitang tangapin na nagbago na nga ako. May mga bagay kasi na kaya lamang maiparamdam sa mga kilos, at meron naman na sa salita o sulat ito idinadaan. katulad na lamang ng liham na ito, dito ko na lamang idadaan ang mga gusto ko sabihin na hindi ko kayang ipahayag ng harapan. Dinadaan din naman ang mga bagay na gustong sabihin ng palihim o bilang parang introduksyon sa isang malaking rebelasyon o aminan.

          Eto na aaminin ko na, sasabihin ko na para matapos na. Ay! lyrics pala iyon, sige balik na sa tunay kong punto. Nang makilala kita ninais ko agad na mapalapit sa iyo at makilala kang lubusan. Sinubukan kong aminin sa iyo ang nararamdaman ko, ngunit alam kong hindi mo ito magugustuhan at baka magalit ka pa. Sinasabi ko na sa iyo ngayon na gusto kong makilala ka hindi lang bilang kaibigan, kundi kai-ibigan. Ang gusto sana ay itaas pa ang level ng pagmamahal ko sayo mula sa pag-ibig ng kaibigan patungong pag-ibig ng isang mangiirog. Maraming salamat sa pagkakataon na itong sabihin sa iyo ang nilalaman ng aking damdaming nahihirapan.

Nagmamahal:
"TREVZ"


Ryan Erick B. Lagar