. . . Anything that can be connected with LOVE . . . it will be discuss here at my site . . . Thanking aboout Love problems, girls, Lovelife . . . I'm oXYGeN and that is what I do best!
Welcoming Visitors
I Happily Welcome You To My Special Website . . . Please Feel Free To ENjoy Reading My Post And My Friends Post Also . . . Thank You!!!
Pahalagahan at Mahalin ang Wikang Filipino, Wikang Sariling atin. Sinubukan man tayong sakupin ng mga dayuhang mananakop ay hindi pa rin na wala ang pagmamahal natin sa ating bayan at sa ating wika. Masasabing ang Liguwahe natin ay pinaghalu-halong mga linguwahe ng iba't ibang bansang nagsipumilit na sakupin ang bansa natin.Pero sa panahon ngayon mas pinipili na ng mga paaralan at ng mga ordinaryong mamamayan na gamitin ang wikang Ingles, kahit na mabaliko na ang mga dila ng mga Filipino sa kakaIngles hindi pa rin sumusuko na mapaghusayan ang wikang Ingles. Ginagamit man ng nakararami ang Wikang Filipino mapapansin namang lagi pa rin itong nahahaluan ng Ingles at Espanyol na Linguwahe ng mga banyaga.Ang ating Pambansang Bayani na si Dr.Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o Pepe ay nagwika nuon na . . .
Ang hindi magmahal sa sariling Wika,ay mas mabaho pa sa malansang isda.
Maipapakita natin ang ating pagmamahal sa ating sariling bayan sa pagsimula s pagmamahal sa sariling wika. Si Dr. Jose Rizal ay niliban ang mga Espanyol gamit ang pluma at tinta, hindi siya gumamit ng patalim o baril.
Sana lahat ng tao ay umiibig at nagiibigan ng nararapat. Sana lahat ng lalakeay marunong mang ligaw, at ang lahat ng babae ay nalalaman ito agad upang hindi na mahirapan ang mga lalake na manligaw. Para sakin“ Madali para sa mga babae ang mag-mahal sa umpisa pero mahirap iyon sa kanila sa huli.” Ako man ay isa ring torpe katulad ng ilang lalake dyan, lalake na walang tibay ng loob na sabihin ang tunay na nararamdaman ng aming puso…ngunit gumagawa pa rin kami ng paraan upang malaman ng taong aming iniibig na sa kanila kami’y may pagtingin. May ilang lalake na idinadaan sa mga kaibigan nila na mas malapit sa taong iniibig nila kaysa sa kanila. Ako man ay may ginawa ring paraan, katulad na rin lang ng pagsesend ko ng comment sa Friendster niya. Nagsend ako sa kanya ng isang poem na may ibig ipahiwatig sa kanya na ok lang namang magmahal ng mga kaibigang malapit sa kanya. Minsan ko na ring inamin sa kanya na mahal ko siya nang una kaming mag-chat sa YM (Yahoo Messenger). Akalain ninyo bang akalain niyang nagbibiro lamang ako kaya sinagot ko siya na hindi dapat ginagawang biro ang pagmamahal, kundi seryosohin ito…feeling ko tuloy ay ang iniisip niya tungkol doon ay isa lamang pag-ibig ng isang matalik na kaibigan. Tunituring man niya kong isang kapatid kulang yon para sa akin pero kung yon ang sa palagay niya na dapat hangang kaibigan lamang kami o mag kapatid na lang …Hindi ko na lang ito aaminin ulit hangang maisip niya ang tunay na kahulugan ng sinabi ko noon na mahal ko siya.